Untitled
<p>Bakit ho ba nag-chiCHEAT ang mga lalake sa mga girlfriend/s nila? uhm. lalake ka kasi i just want to know your side, if okay lang.</p>
Anonymous

Hindi naman lahat ng lalaki nag-chiCHEAT sa mga girlfriends nila. Pero ginagawa siguro nung ibang lalaki yun dahil..

  • Hindi na sila satisfied dun sa relationship na meron sila pero naduduwag sila na makipag-break.
  • Ayaw nila mawalan at maiwan. Kung iwan man sila nung isa.. may reserba.
  • Hinahanap nila yung kakulangan nung girlfriend nila sa ibang babae.
  • Karamihan saming mga lalaki ay single-minded. Hindi namin iniisip yung magiging consequence ng bagay na gagawin namin.
  • Akala nung iba.. OK lng yun dahil hindi naman sila mahuhuli.
  • Hindi sila seryoso sa girlfriend nila ngayon.
  • Feeling ASTIG sa barkada. Feeling magaling dahil dalawa ang babae nya. Cool siya nun. EGO BOOSTER.
  • Nagbago na yung girlfriend niya.
  • Nawawalan ng communication kaya minsan humahanap ng ibang makakausap.. kadalasan babae din.
  • Nagseselos sa ibang lalaki na malapit sa girlfriend niya kaya gumaganti.
  • Trip lang.
Pero wag nyo kalimutan na hindi lang lalaki ang nag-chiCHEAT. May mga babae din na gumagawa nito. Hindi lahat ng lalaki pare-pareho. Kawawa naman yung ibang lalaki na nagmamahal ng totoo. :)
This is such a sad story.